SEARCH THIS BLOG

Looking for a particular song? Search this blog here:

Showing posts with label Tagalog. Show all posts
Showing posts with label Tagalog. Show all posts

24 December 2016

Paska Na! (Philippines)









Paska Na!

Ako’y nagtataka sa paskong kay lamig.
Doon pa nadama init ng pag-ibig.
Sa Sanggol at Ina, puso’y huwag isara.
At sa bawa’t isa puso mo’y buksan na.

Refrain:
Pasko na! Pasko na! Tayo’y mag —– kaisa.
Magsama sa saya ng Sanggol at Ina.

Ako’y nagtataka sa sabsabang payak.
Doon pa nadama dangal ng Haring Anak.
Sa Sanggol at Ina puso’y huwag isara.
At sa bawa’t isa puso mo’y buksan na. (Refrain)

See my other blog postings in the Contemporary Catholic series.

22 March 2013

いつくしみと愛の / Sapag Manmahal (テゼ / Taizé)




Japanese Lyrics:
いつくしみと愛のあるところ神ともに。
Tagalog Lyrics:
Sapag manmahal naroroon ang Diyos

See also the Latin original: Ubi Caritas (Taizé)

Music: Jacques Berthier (English bio) (French bio)

See my other blog postings in the "Taizé" series of chants.

Official Taizé Community Website

Wikipedia information on the Taizé Community
- in French
- in English

18 September 2012

Ang Panginoon ang aking pastol (Bukas Pulad)





Refrain:

Ang Panginoon ang aking pastol
Pinagiginhawa akong lubos
Handog niyang himlaya’y sariwang pastulan
Ang pahingaan ko’y payapang batisan,
Hatid sa kalul’wa ay kaginhawahan,
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay. (Refrain)

Madilim na lambak man ang tatahakin ko,
Wala aking sindak, Siya’y kasama ko.
Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay ko.
Tangan niyang pamalo, sigla’t tanggulan ko. (Refrain)

Inihahandog Niya sa akin 'sang dulang
Maging sa harap man ng aking mga kaaway
Kasiyahan Niyang ulo ko'y langisan,
Saro ko'y punuin hanggang sa umapaw. (Refrain)

Kagandahang loob, pawang kabutihan
Ang tanging kasunod ng buhay kong taglay
Doon sa tahanan ng Poong Maykapal
Nais kong manahan magpakailanman. (Refrain)

Paraphrase of Psalm 23

Text: D. Isidro, SJ
Music: Felipe Fruto Ll. Ramirez, SJ

Ang Panginoon ang aking pastol (Taizé)









Refrain:
Ang Panginoon ang aking pastol
Pinagiginhawa akong lubos
Handog niyang himlaya’y sariwang pastulan
Ang pahingaan ko’y payapang batisan,
Hatid sa kalul’wa ay kaginhawahan,
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay. (Refrain)

Madilim na lambak man ang tatahakin ko,
Wala aking sindak, Siya’y kasama ko.
Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay ko.
Tangan niyang pamalo, sigla’t tanggulan ko. (Refrain)

Inihahandog Niya sa akin 'sang dulang
Maging sa harap man ng aking mga kaaway
Kasiyahan Niyang ulo ko'y langisan,
Saro ko'y punuin hanggang sa umapaw. (Refrain)

Kagandahang loob, pawang kabutihan
Ang tanging kasunod ng buhay kong taglay
Doon sa tahanan ng Poong Maykapal
Nais kong manahan magpakailanman. (Refrain)

Paraphrase of Psalm 23

Text: D. Isidro, SJ
Music: Felipe Fruto Ll. Ramirez, SJ

See my other blog postings in the "Taizé" series of chants.

Official Taizé Community Website

Wikipedia information on the Taizé Community
- in French
- in English

04 May 2010

Ang Katawan Ni Kristo (Behold, the Body of Christ)







In the presence of our God,
as we gather here in Christ,
feel the Spirit breathe upon us,
the breath of life, graced and divine.
We have come to break the bread;
we have come to share our lives.
Let us bring these fruits to the table,
the love of God, yours and mine!

Refrain
Ang Katawan Ni Kristo (2x)
Behold the Body of Christ, Jesus our Saviour and Life!
Rejoice O people of God! We are the Body of Christ!
When we gather in our homes,
through our prayers and our meals,
we are fed and nourished together,
our families, broken and blessed.
In the household of the Lord,
where we come to share the meal,
we are fed the words of our Saviour,
one family, strengthened and healed. (Refrain)

Bridge:
Is not the meal that we bless and share a communion in the life of Christ?
One bread, one blessing, one cup make us one body in our Lord.

In the presence of our God,
by the justice that is shown,
We will build a kingdom together;
The love of Christ given to all (Refrain)

Words: Ricky Manalo and Pia de Leon (2003)
Music: Ricky Manalo (2003)

See my other blog postings in the Contemporary Catholic series.

09 April 2010

Humayo't ihayag (Philippines)





Humayo't ihayag (Purihin Siya!)
At ating ibunyag (Awitan Siya!)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang Siyang sa mundo'y tumubos

KORO:
Langit at lupa, Siya'y papurihan
Araw at tala, Siya'y parangalan
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Aleluya
Halina't sumayaw (Buong bayan!)
Lukso sabay sigaw (Sanlibutan!)
Ang ngalan Niyang angkin singningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin (KORO)

At isigaw sa lahat
Kalinga Niya'y wagas
Kayong dukha't salat
Pag-ibig Niya sa inyo ay tapat

Background Information (Wikipedia):
Bukas Palad Music Ministry
Jesuit Music Ministry

Lyrics: Manoling Francisco, Johnny Go, and Louie Catalan
Music: Manoling Francisco

See my other blog postings in the Contemporary Catholic series.

11 February 2010

O Hesus, Hilumin Mo (Philippines)



KORO:
O Hesus, hilumin Mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasimbigo
Hapis at pait Iyong patamisin
At hagkan ang sakit
Nang magningas ang rikit (KORO)

Aking sugatang diwa't katawan
Ay gawing daan
Ng 'Yong kaligtasan (KORO)

Bukas Palad Music Ministry Official Website

Information from Wikipedia

See my other blog postings in the Contemporary Catholic series.

05 February 2010

Panalangin sa Pagiging (Philippines)





PANALANGIN SA PAGIGING (PRAYER FOR GENEROSITY)

Panginoon, turuan Mo akong maging bukas palad
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay ng ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo

Na makibakang 'di inaalintana
Mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawahan
Na 'di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob Mo'y siyang sinusundan

Panginoon, turuan Mo akong maging bukas palad
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay ng ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo

Background information

Lyrics: Tim Ofrasio
Music: Manoling Francisco and J. Arboleda
Originally performed by Bukas Palad

See my other blog postings in the Contemporary Catholic series.

25 January 2010

Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan (Philippines)






Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan

Katulad ng mga butil na tinitipon
Upang maging tinapay na nagbibigay buhay
Kami nawa'y matipon din
At maging bayan mong giliw

Refrain:
Iisang panginoon, iisang katawan,
isang bayan, isang lahi
sa'yo'y nagpupugay
Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak
Sino mang uminom nito: "May buhay na walang hanggan"
Kami nawa'y maging sangkap
Sa pagbuo nitong bayang liyag (Refrain)

See my other blog postings in the Contemporary Catholic series.

14 January 2010

Hindi Kita Malilimutan (Philippines)



Hindi Kita Malilimutan (I Will Never Forget You)

Hindi kita malilimutan
Hindi kita pababayaan
Nakaukit magpakailanman
Sa 'king palad ang 'yong pangalan

Malilimutan ba ng ina
Ang anak na galing sa kanya
Sanggol sa kanyang sinapupunan
Paano niyang matatalikdan
Ngunit kahit na malimutan
Ng ina ang anak niyang tangan

Chorus:
Hindi kita malilimutan
Kailanma'y di pababayaan
Hindi kita malilimutan
Kailanma'y di pababayaan
Hindi kita malilimutan
Kailanma'y di pababayaan
Malilimutan ba ng ina
Ang anak na galing sa kanya
Sanggol sa kanyang sinapupunan
Paano niyang matatalikdan
Ngunit kahit na malimutan
Ng ina ang anak niyang tangan

Chorus:
Hindi kita malilimutan
Kailanma'y di pababayaan
Hindi kita malilimutan
Kailanma'y di pababayaan
Hindi kita malilimutan
Kailanma'y di pababayaan (repeat)

Paraphrase of Isaiah 49

Composer: Francisco Manoling

See my other blog postings in the Contemporary Catholic series.

17 December 2009

Paglamig ng hangin (Philippines)



Paglamig ng hangin hatid ng Pasko
Nananariwa sa 'king gunita
Ang mga nagdaan nating Pasko
Ang Noche Buena't Simbang gabi

REFRAIN:
Narito na ang Pasko
At nangungulila'ng puso ko
Hanap-hanap, pinapangarap
Init ng pagsasalong tigib sa tuwa
Ng mag-anak na nagdiwang
Sa sabsaban n'ung unang Pasko
Sa pag-awit muli ng himig-Pasko
Nagliliyab sa paghahangad
Makapiling kayo sa gabi ng Pasko
Sa alaala'y magkasama tayo (Refrain, 2x)

Words & Music: Manoling Francisco

See my other blog postings in the Contemporary Catholic series.

14 December 2009

Ang Pasko ay sumapit (Philippines)





Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsiawit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang Diyós ay pag-ibig

Nang si Kristo'y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa ay nagsipaghandog
Ng tanging alay

Chorus:
Bagong taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtán
Natin ang kasaganaan

Tayo'y mangagsiawit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng sanggol na dulot ng langit

Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindî Paskó ay magbigayan

Original lyrics (in Cebuano)/Melody by Vicente D. Rubi and Mariano Vestil (1933)
Tagalog lyrics by: Levi Celerio

27 November 2009

Papuri Sa Diyos (Philippines)



Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan
At sa lupa'y kapayapaan (2x)
sa mga taong kinalulugdan N'ya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan Panginoong Diyos hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak
Panginoong Diyos Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Papuri sa Diyos (2x) Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Ikaw na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka (2x) sa amin
lkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan (2x)
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
maawa Ka (2x) sa amin

Papuri sa Diyos (2x) sa kaitaasan
Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang Kataastaasan
Ikaw lamang 0 Hesukristo ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan
ng Diyos Ama. Amen (2x)
Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan

Composer: Eduado P. Hontiveros, SJ

See my other blog postings in the Contemporary Catholic series.

Salamat Sa Iyo (Philippines)





Salamat sa Iyo
Aking Panginoong Hesus
Ako'y inibig mo
At inangking lubos

Chorus:
Ang tanging alay ko
Sa Iyo aking Ama
Ang buong buhay ko
Puso at kaluluwa
Hindi makayanang maipagkaloob
Mamahaling hiyas o gintong sinukob
Ang tanging dalangin
O Diyos ay tanggapin
Ang tanging alay ko
Nawa ay gamitin
Ito lamang Ama wala nang iba pa
Akong hinihiling

Di ko akalain
Na ako ay 'Yong bigyang pansin
Ang taong tulad ko'y
Di dapat mahalin
Chorus

Aking hinihintay
Ang Iyong pagbabalik, Hesus
Ang makapiling Ka'y
Kagalakang lubos
Chorus
Di dapat mahalin

26 November 2009

Pananagutan (Philippines)



Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang

Chorus:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
na kapiling N'ya

Sa ating pagmamahalan
At paglilingkod kanino man
Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan
(Chorus)

Sabay-sabay ngang mag-aawitan
Ang mga bansa
Tayo'y tinuring ng Panginoon
Bilang mga anak
(Chorus)

Composer: Eduardo P. Hontiveros, SJ

See my other blog postings in the Contemporary Catholic series.